Biyernes, Hunyo 1, 2012

Kapekapekape? : Isang Introduksyon

 Matapos tanggalin ng isang blogsite ang orihinal kong blog page, napagisip-isip kong gumawa sa iba. Naisip kong ring palitan ang titulo, ang nilalaman at ang mismong kabuuan ng masnauna kong mga sinulat at magsimula ulit sa wala.

 Mahilig ako sa kape, sa totoong buhay, tinuturing ko itong bisyo kaulayaw ng aking paninigarilyo. Isang yuporya na pinagsanib mo. Kombo meal sabi ng iba. At ang pagkakataon nga naman, napadpad ako sa isang trabahong may kinalaman sa hilig ko sa kape.

 At ito na nga ang kinalabasan, Kape-Kape-Kape? Isang blog na maglalahad at magsusulat ng aking diwa at kuro mula sa hubad ko isipan, mga kwento, mga reklamo at paglalabas ng hinanakit sa mundo sa perspektibo ng isang tagatimpla ng Kape sa magulo at masaklap na mundo ng mga tao.

-Slurp
*Higop ng kape